Home TOP STORIES Road Safety Awareness Month

Road Safety Awareness Month

26
0

MANILA, Philippines – Sa pagdiriwang ng Road Safety Awareness Month, binigyang-diin ang kahalagahan ng mas ligtas na kalsada at responsableng pagbiyahe sa Pilipinas.

Ayon sa datos ng World Health Organization, tumaas ang bilang ng road traffic deaths sa bansa mula 7,938 noong 2011 hanggang 11,096 noong 2021.

Isa rin ang aksidente sa kalsada sa pangunahing sanhi ng kamatayan ng mga Pilipinong edad 15 hanggang 19, na itinuturing na pinaka-mobile na grupo sa populasyon.

Habang patuloy ang kampanya para sa road safety, binibigyang-pansin din ang kahalagahan ng pagiging handa sa mga emergency.

Sa selebrasyon ng buwan na ito, hinihikayat ng Maxicare ang publiko na isama sa pang-araw-araw na paghahanda ang proteksyon sa kalusugan at aksidente.

Kabilang sa kanilang inaalok ang Maxicare LifesavER at Maxicare LifesavER+, mga prepaid card na idinisenyo para sa agarang pangangailangang medikal sa emergency situations. DANNY QUERUBIN

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here