Home NATIONWIDE Plunder case vs. Jinggoy et al., patunay ng Blue Ribbon probe sa...

Plunder case vs. Jinggoy et al., patunay ng Blue Ribbon probe sa flood control – Lacson

58
0

MANILA, Philippines – Ang nakatakdang paghahain ng Office of the Ombudsman ng mga kasong plunder at iba pang kaso laban sa mga personalidad na sangkot sa flood control scandal ay nagpapatunay sa mga natuklasan ng Senate Blue Ribbon Committee, ayon kay Sen. Panfilo “Ping” M. Lacson kamakailan.

Sa pahayag, sinabi ni Lacson, dating chairman ng Senate Blue Ribbon Committee, na nakapangalap ang lupon ng mahahalagang ebidensya na naipasa sa Ombudsman at Department of Justice.

“Ombudsman (Jesus Crispin) Remulla’s announcement that plunder, malversation and other cases will soon be filed with the Sandiganbayan against the same government officials implicated in the Blue Ribbon Committee’s partial report on the flood control anomaly is a vindication of our findings and recommendations,” ani Lacson sa X.

Pinamunuan ni Lacson ang Blue Ribbon Committee hanggang sa pagbabago ng liderato sa Senado noong Mayo 11.

Noong Martes, sinabi ni Ombudsman Remulla na inaasahang maisasampa ang kasong plunder laban kay Sen. Jose “Jinggoy” Estrada ngayong Huwebes, matapos magrekomenda ang DOJ ng mga kasong plunder, bribery at graft laban kay Estrada at ilang dating opisyal ng Department of Public Works and Highways (DPWH).

Sinabi rin ni Remulla na maaari ring maisampa ang kasong plunder laban kay Sen. Joel Villanueva, posibleng sa loob ng susunod na dalawang linggo.

Nauna nang sinabi ni Lacson na bagama’t nalulungkot siya na may ilang kapwa senador na nasasangkot sa mga anomalya sa flood control project, tungkulin pa rin niyang gampanan ang kanyang mandato.

“Hindi nakakatuwa ito na ang mga kasamahan namin ay na-involve. At ito ang sinasabi natin, masakit man pero lagi kong sinasabi kung saan kami dadalhin ng ebidensya, doon kami pupunta. Hindi kami magpipilit maghanap ng ebidensya laban sa mga tao na kasama pa naman namin sa Senado,” aniya.

Ernie Reyes

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here