Home METRO Drug lab sa liblib na isla sa OccMin, nabuking ng PNP

Drug lab sa liblib na isla sa OccMin, nabuking ng PNP

60
0

MANILA, Philippines – Nadiskubre ng Philippine National Police (PNP) ang hinihinalang clandestine drug laboratory sa isang liblib na isla sa Looc, Occidental Mindoro.

Ayon sa PNP, isinagawa ng mga tauhan ng Drug Enforcement Group ang operasyon sa Golo Island bandang alas-3 ng hapon noong Martes matapos makatanggap ng intelligence reports hinggil sa umano’y operasyon ng drug laboratory sa lugar.

Sa paunang imbestigasyon, nakarekober ang mga awtoridad ng ilang kemikal na hinihinalang ginagamit sa paggawa ng iligal na droga.

Gayunman, sinabi ng pulisya na sumasailalim pa sa forensic examination ang mga nakuhang substansiya habang patuloy na bineberipika ang pagkakakilanlan ng mga sangkot at lawak ng operasyon.

Nagsimula umano ang operasyon matapos magbigay ng impormasyon ang isang suspek na naunang naaresto sa Batangas hinggil sa pagkakaroon ng drug laboratory sa isla.

Bahagi ang Looc ng Lubang Island group sa hilagang-kanlurang bahagi ng Occidental Mindoro kung saan limitado ang komunikasyon at kadalasang bangka lamang ang paraan ng transportasyon sa ilang barangay.

Ayon sa PNP, posibleng may paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 kaugnay ng paggawa ng iligal na droga at operasyon ng clandestine laboratories.

Iniutos na rin ni PNP chief Gen. Jose Melencio Nartatez Jr. ang mas malalim na imbestigasyon upang matukoy at maaresto ang mga nasa likod ng operasyon.

“The discovery of these chemical substances in Occidental Mindoro highlights a dangerous trend where drug syndicates exploit isolated island communities to evade detection, but the PNP is adapting quickly,” ani Nartatez.

“This is clear proof of the dedication and hard work of our personnel in the campaign against illegal drugs. No area is too far or too remote in our effort to run after those who threaten peace and order through illegal activities,” dagdag niya. Mary Anne Sapico

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here