Home NATIONWIDE 6 bagong silang na sanggol, magkakasunod na nasawi sa nasirang aircon sa...

6 bagong silang na sanggol, magkakasunod na nasawi sa nasirang aircon sa ospital

54
0

DHaka, Bangladesh — Anim na bagong silang na sanggol ang magkakasunod na namatay matapos umano magkaaberya ang air conditioning system sa isang ospital sa kabisera ng Bangladesh, ayon sa ulat.

Naganap ang insidente nitong Miyerkoles sa isang ospital sa Dhaka, kung saan iniulat na hindi gumana ang air conditioner sa neonatal facility, batay sa ulat ng “Unang Balita” nitong Huwebes.

Patuloy na iniimbestigahan ng mga awtoridad kung nagkaroon ng technical failure o posibleng gas leak sa air conditioning system na maaaring nakaapekto sa kondisyon ng mga sanggol.

Wala pang inilalabas na pahayag ang pamunuan ng ospital kaugnay ng insidente.

Samantala, nagpapatuloy ang beripikasyon ng mga imbestigador upang matukoy ang eksaktong sanhi ng magkakasunod na pagkamatay. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here