Home HOME BANNER STORY Madalas na pagkaaaresto sa mga Tsino, dinepensahan ng DFA

Madalas na pagkaaaresto sa mga Tsino, dinepensahan ng DFA

76
0

MANILA, Philippines – Sinabi ng Department of Foreign Affairs (DFA) nitong Huwebes na hindi nakatuon sa anumang nasyonalidad ang mga operasyon ng law enforcement sa Pilipinas, kasunod ng pag-aalala ng Chinese Embassy sa Manila kaugnay ng umano’y “madalas na pag-aresto” sa mga Chinese nationals sa bansa.

Ayon sa DFA, kumikilos ang mga law enforcement agency sa ilalim ng kanilang mandato at alinsunod sa umiiral na batas. “Philippine law enforcement agencies act pursuant to their respective mandates and in accordance with Philippine laws and regulations,” ayon sa pahayag nito.

Dagdag pa ng DFA, ang mga operasyon ay nakabatay sa ebidensya at partikular na paglabag, at hindi nakatutok sa anumang lahi o nasyonalidad. “Law enforcement actions are based on specific acts and evidence, and are not directed against any nationality,” anito.

Nauna nang kinuwestiyon ng Chinese Embassy ang pag-aresto sa 69 undocumented Chinese nationals sa isang raid sa steel plant sa Misamis Oriental noong Mayo 15, 2026, at iginiit ang umano’y diskriminasyon. Ayon sa mga awtoridad, ang operasyon ay kaugnay ng mga paglabag sa hazardous materials at immigration laws.

Iniulat din ng Bureau of Immigration ang pag-aresto sa 27 foreign nationals, karamihan ay Chinese, sa magkakahiwalay na operasyon sa Davao de Oro, Pasay City, at Pampanga mula Abril 22 hanggang Mayo 8, 2026. Ang mga ito ay umano’y sangkot sa illegal mining, unauthorized retail trade, at iba pang immigration violations.

Sinabi ng Chinese Embassy na “reserves the right to take further measures” at hinimok ang Pilipinas na resolbahin ang mga kaso ayon sa batas, habang nanawagan din na iwasan ang umano’y abuso sa law enforcement powers at political manipulation.

Ayon sa DFA, nakikipag-ugnayan na ito sa mga kaukulang ahensya upang matiyak ang tamang consular notification alinsunod sa Philippines–China Consular Agreement, at magpapatuloy ang koordinasyon habang iginagalang ang mga isinasagawang imbestigasyon. Dave Baluyot

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here