Home NATIONWIDE Nartatez: Media malaking tulong sa pagpapanatili ng public safety, pagpapalabas ng katotohanan,...

Nartatez: Media malaking tulong sa pagpapanatili ng public safety, pagpapalabas ng katotohanan, accountability

28
0

MANILA, Philippines – Nanawagan si Gen. Jose Melencio C. Nartatez Jr., hepe ng Philippine National Police (PNP), sa mga kawani ng pulisya at miyembro ng media na magtulungan upang mapalakas ang kapayapaan at kaayusan sa bansa.

Binigyang-diin ni Nartatez ang mahalagang papel ng media sa pagpapanatili ng peace and order sa pamamagitan ng tumpak at mapagkakatiwalaang pagbabalita, gayundin bilang tagapagbantay ng pamahalaan kabilang ang pulisya.

Ayon sa kanya, “This event is not just a competition but a shared platform that enhances our cooperation, sharpens our tactical skills, and reinforces our collective resolve to maintain peace, order, and transparency across the nation,” kaugnay ng PNP Press Corps 4th Invitational Shootfest na ginanap sa Quezon City Police District (QCPD) Firing Range sa Camp Karingal, Quezon City mula Mayo 29.

Idinagdag niya na ang patuloy na pagsuporta ng PNP sa naturang shootfest sa loob ng apat na taon ay patunay ng hangaring palakasin ang ugnayan at tiwala sa pagitan ng pulisya at media.

Ang torneo ay isang Level 1 Philippine Practical Shooting Association (PPSA) sanctioned match na may limang tactical stages at nangangailangan ng 120 rounds ng bala para sa handgun at pistol caliber carbine categories.

Ayon sa PNP Press Corps, ang bahagi ng kita mula sa event ay mapupunta sa mga charitable institutions tulad ng Hospicio de San Jose na nag-aalaga sa mga ulilang bata.

Sinabi rin ni Nartatez na ang aktibidad ay hindi lamang tungkol sa sportsmanship kundi nakatutulong din sa moral ng mga personnel at sa pagpapakita ng propesyonalismo ng organisasyon.

Aniya, sa pamamagitan ng ganitong aktibidad, mas napapalapit ang ugnayan ng pulisya at media na parehong mahalaga sa isang ligtas at maayos na lipunan. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here