Home NATIONWIDE Posibleng subpoena sa asawa ni Sen. Bato, ipinaliwanag ng NBI

Posibleng subpoena sa asawa ni Sen. Bato, ipinaliwanag ng NBI

24
0

MANILA, Philippines – Ipinaliwanag ng National Bureau of Investigation (NBI) kung bakit posibleng mag-isyu ng subpoena laban kina Senador Ronald “Bato” dela Rosa at kanyang asawa kaugnay ng isinasagawang imbestigasyon.

Ayon kay NBI Director Jaime Santiago, bahagi ng normal na proseso ng imbestigasyon ang pagpapadala ng subpoena sa mga taong maaaring may mahalagang impormasyon tungkol sa isang kaso. Sinabi niyang hindi nangangahulugang may kasalanan agad ang isang tao kapag pinadalhan ng subpoena.

Lumabas ang usapin matapos sabihin ng NBI na maaaring kasama sa kanilang imbestigasyon ang asawa ni Dela Rosa. Gayunman, nilinaw ni Santiago na ginagawa lamang nila ang kanilang tungkulin at sinusunod ang legal na proseso.

Nauna nang kinuwestiyon ni Dela Rosa ang posibleng hakbang ng NBI laban sa kanyang asawa. Para sa senador, tila hindi makatwiran na madamay ang kanyang pamilya sa isinasagawang imbestigasyon.

Sa ngayon, wala pang pinal na desisyon kung maglalabas nga ng subpoena laban sa asawa ng senador habang nagpapatuloy ang imbestigasyon ng NBI. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here