Home NATIONWIDE Ulo ng biktima paulit-ulit pinalo ng tubo ng kaalitan

Ulo ng biktima paulit-ulit pinalo ng tubo ng kaalitan

21
0

Bulacan – Arestado ng mga awtoridad ang isang lalaki matapos umanong paulit-ulit paluin ng tubo ang kanyang kaalitan sa bayan ng Bocaue noong Mayo 30.

Sa ulat, matagumpay na naaresto ng Bocaue Municipal Police Sation sa pangunguna ni PLTCOL Gilbert Diaz, ang suspek na si alyas “Ronald”.

Ayon sa imbestigasyon, matagal ng may alitan ang suspek at hindi pinangalanang biktima nang magkaharap at magkaroon ng mainitang komprontasyon ang mga ito.

Dahil dito, makailang beses umanong hinataw ng suspek ang biktima sa ulo gamit ang tubo na nagdulot ng matinding pinsala.

Agad isinugod ang biktima sa pagamutan para sa agarang medikal na atensyon habang naaresto ang suspek sa follow up operation ng kapulisan katuwang ang mga tauhan ng Brgy. Bambang.

Nahaharap ang suspek sa kasong frustrated homicide habang nasa kustodiya ng nasabing istasyon. Dick Mirasol III

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here