Home NATIONWIDE P13.3M hinihinalang kush nasabat sa NAIA; pasaherong galing Thailand arestado

P13.3M hinihinalang kush nasabat sa NAIA; pasaherong galing Thailand arestado

2
0

MANILA, Philippines – ARESTADO ang isang Pilipinong pasahero matapos mahulihan ng hinihinalang marijuana o “Kush” na nagkakahalaga ng humigit-kumulang ₱13.365 milyon sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 1 nitong Hunyo 4, 2026.

Ayon sa Bureau of Customs (BOC), kagagaling lamang ng suspek sa Bangkok, Thailand nang matuklasan ng mga awtoridad ang 8.91 kilo ng hinihinalang iligal na droga na nakatago sa kanyang checked baggage habang sumasailalim sa routine X-ray screening sa paliparan.

Lalong nakumpirma ang hinala ng mga operatiba matapos magbigay ng positibong alerto ang K9 unit ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa nasabing bagahe. Kaagad na isinailalim sa masusing inspeksyon ang mga gamit ng pasahero kung saan natagpuan ang mga hinihinalang Kush.

Sa kasalukuyan, nasa kustodiya na ng mga kinauukulang awtoridad ang mga nakumpiskang ebidensya para sa karagdagang pagsusuri at imbestigasyon, habang inihahanda naman ang kaukulang mga kaso laban sa naarestong pasahero dahil sa paglabag sa mga batas laban sa ilegal na droga. JAY Reyes

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here