Home NATIONWIDE Nalalabing asset claims sa forfeiture case vs pamilya Marcos ibinasura ng Sandiganbayan

Nalalabing asset claims sa forfeiture case vs pamilya Marcos ibinasura ng Sandiganbayan

3
0

MANILA, Philippines – Ibinasura ng Sandiganbayan ang nalalabing asset claims sa civil case na layong irekober ang umano’y ill-gotten wealth ni dating Pangulong Ferdinand Marcos Sr. at kanyang pamilya.

Sa resolusyon na inisyu ng Special Division ng Sandiganbayan na may petsang Hunyo 2, 2026, sinabi nito na ibinasura nito ang natitirang claims matapos na hindi magpresenta ng ebidensya ang Presidential Commission on Good Government (PCGG) sa Civil Case No. 0141, at sinabing karamihan ng mga ari-arian ay narekober na sa hiwalay na civil actions.

Sa loob ng ilang taon, sinabi ng Sandiganbayan na nakakuha ang pamahalaan ng partial judgments sa pag-utos ng pagbawi ng $658 million sa Swiss deposits, funds, properties, shares, at interests na may kaugnayan sa Arelma accounts, MalacaƱang Jewelry Collection, at ang proceeds mula sa pagbebenta ng mga painting at artwork na nagkakahalaga ng $17 million.

Noong Mayo 12, 2026, naghain ang pamahalaan ng manifestation na nagsasabing hindi na ito magpipresenta ng ebidensya “with respect to the remaining listed properties not covered by the partial judgments.”

Sinasabi rin sa Civil Case No. 0141 na ang mga Marcos ay may bank deposits sa Luxembourg, Hong Kong, Cayman Islands, at Estados Unidos maging ang shares sa iba’t ibang stock sa mga iba’t ibang kompanya at ari-arian.

“In view of petitioner’s [government] manifestation and the absence of evidence concerning the remaining properties, the proceedings in this case, insofar as they relate to properties not covered by the four partial summary judgments, are now terminated,” ayon sa Sandiganbayan sa pamamagitan ni Associate Justice Bayani Jacinto.

Pinirmahan din nina Associate Justices Maryann Corpus-MaƱalac at Juliet Manalo-San Gaspar ang resolusyon. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here