Home NATIONWIDE 25 tirahan tinupok ng apoy sa Samar

25 tirahan tinupok ng apoy sa Samar

2
0

MANILA, Philippines – Nilamon ng apoy ang nasa 25 tirahan sa gilid ng dagat sa Catbalogan City, Samar.

Ang sunog ay sumiklab malapit sa seawall sa Barangay 3 nitong hapon ng Biyernes, Hunyo 5, 2026.

Itinaas ang unang alarma ng sunog 1:30 ng hapon at umabot sa ikalawang alarma, bago ito tuluyang makontrol 2:35 ng hapon.

Naging pahirapan naman ang pag-apula sa sunog dahil sa makipot na kalsada patungo sa mga nasusunog na bahay.

Samantala, sinabi ni Jun Gil Tagorino, hepe ng Catbalogan CDRRMO, na nasira rin sa naturang sunog ang barangay hall. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here