Home NATIONWIDE Bulkang Kanlaon nagbuga ng aboNATIONWIDETOP STORIES Bulkang Kanlaon nagbuga ng aboJune 6, 2026 12:2540 FacebookTwitterPinterestWhatsApp MANILA, Philippines – Nagbuga ng abo ang Bulkang Kanlaon nitong Sabado ng umaga, Hunyo 6.Nagresulta ito sa plume na umabot ng 800 metro ang taas, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).Nakuhanan ng IP camera sa Kanlaon Volcano Observatory-Canlaon City ang ash emission bandang 5:53 ng umaga.“This event generated grayish plumes that rose 800 meters above the craters before drifting southwest,” ayon sa Phivolcs.Samantala, nakapagtala naman ng limang volcanic earthquakes, at dalawang volcanic tremors na tumagal ng tatlo hanggang siyam na minuto.Naglabas din ang bulkan ng 2,701 tonelada ng sulfur dioxide nitong Biyernes na mas mataas sa 2,116 tons na naitala noong Huwebes.Nananatili sa Alert Level 2 ang babala sa Bulkang Kanlaon. RNT/JGC