Home NATIONWIDE Suplay ng itlog sa Pinas, sobra – PEBA

Suplay ng itlog sa Pinas, sobra – PEBA

3
0

MANILA, Philippines – Ayon sa Philippine Egg Board Association (PEBA), nakararanas ngayon ang bansa ng oversupply o labis na supply ng itlog.

Ayon kay PEBA chairman na si Gregorio San Diego, ang labis na supply ay dulot ng mababang demand at sobrang produksyon, dahil maraming nag-alaga ng baboy at manok ang lumipat sa produksyon ng itlog matapos malugi sa pag-angkat ng karne.

“Indirectly, ito ay resulta ng over importation natin ng karneng manok at karneng baboy. ‘Yung mga nalugi sa baboy, manok ‘yung mga may kapital pa, pumasok sa negosyong paitlugan… Ang katwiran nila, dito na tayo, walang kalabang imported,” aniya.

Dagdag pa niya, tumaas ang bilang ng layer breeders sa 803,000 heads noong nakaraang taon, na mas mataas sa dapat na humigit-kumulang 600,000 heads lamang.

Ayon sa PEBA, umaasa ang mga producer na tataas ang demand at presyo ng itlog sa pagbubukas ng klase. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here