Home METRO 2 kargadong ‘motornapper’ timbog sa mga parak sa Bulacan ops

2 kargadong ‘motornapper’ timbog sa mga parak sa Bulacan ops

3
0

BULACAN, Philippines – Arestado ang dalawang indibiduwal matapos masangkot sa carnapping, mahulihan ng iligal na droga at baril sa Brgy. Panginany, Balagtas nitong gabi ng Hunyo 6.

Sa ulat ni PCPT Marc Henry SJ Gonzales, Officer-in-Charge ng Doña Remedios Trinidad police station, kinilala ang mga naarestong suspek na sina Alyas “Leo”, 24, residente ng Brgy. Panginay, Balagtas at alyas JP.

Ayon pa sa ulat, patuloy pang tinutugis ng pulisya ang tatlo nilang kasamahan kabilang ang isang alyas “Ahmed”, umanoy lider ng grupo na kapwa armado at nag-ooperate sa ibat-ibang bayan at karatig lugar.

Ayon sa imbestigasyon, nagsagawa ng follow up operation ang mga operatiba kaugnay sa naitalang insidente ng carnapping ng  blue at black Yamaha Aerox V3 noong June 4 kaya naaresto ang mga ito.

Nakumpiska sa mga suspek ang apat na plastic sachets ng hinihinalang shabu na tumimbang ng 25 gramo at may standard drug price na P170.000.00.

Nasamsam din ang isang improvised shotgun, MK2 hand grenade, tatlong motorcycle plate, mga dokumento ng motorsiklo, collection receipt, Aerox motorcycle, dalawang helmet at iba pang kasuotan na pinaniniwalaang ginamit sa krimen.

Ang mga suspek at mga nakumpiskang ebidensya ay dinala sa istasyon para sa kaukulang dokumentasyon at disposisyon habang inihahanda ang pagsasampa ng kaukulang kaso. (Dick Mirasol III)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here