Home NATIONWIDE PNP: Walang malaking insidente ng seguridad matapos ng lindol sa Mindanao

PNP: Walang malaking insidente ng seguridad matapos ng lindol sa Mindanao

2
0

MANILA, Philippines – Sinabi ng Philippine National Police (PNP) na wala pang naitatalang malalaking insidente ng seguridad sa mga lugar na naapektuhan ng magnitude 7.8 na lindol sa Mindanao nitong Lunes.

Tumama ang lindol 32 kilometro southwest ng Maasim, Sarangani, at ayon sa Office of Civil Defense, umabot na sa 37 ang bilang ng mga nasawi.

Ayon kay PNP Chief Gen. Jose Melencio Nartatez Jr., nananatiling maayos ang peace and order sa kabila ng malawakang pinsala.

“Despite widespread disruption, authorities reported that peace and order remain stable with no major security incidents recorded,” ani Nartatez.

Gayunman, sinabi niya na apat na police station at dalawang regional headquarters ang nakaranas ng iba’t ibang antas ng pinsala, at 241 PNP personnel ang naapektuhan ng lindol.

Dagdag pa niya, agad na kumilos ang mga tauhan ng PNP matapos ang lindol at patuloy silang nakikipag-ugnayan sa mga local government units at iba pang ahensya para sa search, rescue, at tulong sa mga biktima. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here