MANILA, Philippines – Kinansela ang 20 biyahe ng eroplano papunta at mula sa General Santos City nitong Miyerkules habang nananatiling sarado sa commercial operations ang General Santos International Airport matapos ang magnitude 7.8 na lindol na tumama sa Mindanao.
Ayon sa Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP), kabilang sa mga apektadong flight ang mga operasyon ng PAL Express, Philippine Airlines, at Cebu Pacific sa rutang General Santos-Manila, Cebu, at Iloilo.
PAL Express
-2P2357 – Cebu to General Santos
-2P2358 – General Santos to Cebu
-2P2455 – Manila to General Santos
-2P2456 – General Santos to Manila
-2P2339 – Cebu to General Santos
-2P2340 – General Santos to Cebu
Philippine Airlines
-PR453 – Manila to General Santos
-PR454 – General Santos to Manila
Cebu Pacific
-5J251 – Cebu to General Santos
-5J252 – General Santos to Cebu
-5J991 – Manila to General Santos
-5J992 – General Santos to Manila
-5J993 – Manila to General Santos
-5J994 – General Santos to Manila
-5J995 – Manila to General Santos
-5J996 – General Santos to Manila
-5J997 – Manila to General Santos
-5J998 – General Santos to Manila
-5J4843 – Iloilo to General Santos
-5J4844 – General Santos to Iloilo
Kabilang sa mga nakanselang biyahe ang walong flight ng PAL Express at Philippine Airlines, at labindalawang flight ng Cebu Pacific.
Nanatiling sarado ang paliparan para sa mga commercial flight bilang bahagi ng patuloy na pagsusuri at pagtiyak sa kaligtasan matapos ang malakas na lindol.
Gayunman, bukas pa rin ang General Santos International Airport para sa mga government at humanitarian flights na nagsasagawa ng relief at emergency response operations sa mga apektadong lugar.
Patuloy namang pinapayuhan ng mga awtoridad ang mga pasahero na makipag-ugnayan sa kanilang airline para sa updates, rebooking, at iba pang travel arrangements. RNT/MND