Home NATIONWIDE PBBM, nagpahayag ng kasiyahan sa 2 bagong QC school buildings, nangako ng...

PBBM, nagpahayag ng kasiyahan sa 2 bagong QC school buildings, nangako ng nationwide rollout

3
0

MANILA, Philippines – Nagpahayag ng kasiyahan si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa mabilis na pagkakayari ng dalawang bagong school buildings sa Quezon City.

Nangako ang Pangulo na magtatayo pa ng mas maraming silid-aralan sa buong bansa para mabigyan ang mga mag-aaral ng mas kaaya-ayang learning environment.

Inihayag ng Pangulo ang kanyang commitment sa isinagawang pag-inspeksyon sa ‘newly completed school buildings’ sa San Francisco High School sa Quezon City.

Para sa Pangulo ang maagang pagkakayari ng proyekto ay dahil na rin sa pangako ng administrasyon na tiyakin ang ‘transparent at masinop na paggamit ng pondo na inilaan para sa konstruksyon ng mga bagong silid-aralan.

Sinabi pa ng Pangulo na ang bagong learning facilities, kabilang na ang four-story, 60-classroom building, ay nakompleto sa loob lamang ng 8 buwan.

“From 10 classrooms, we now have 60. Times six. Meron na tayong 60 classrooms kaya mas naging maluwag ang schedule, mas naging maluwag ang physical location ng mga bata, which is conducive to better learning,” ayon kay Pangulong Marcos matapos ang inspeksyon.

“So, I’m very, very happy to come here. I’m a little bit surprised, I must say. I do not think that maybe in the last 30 years, that we have seen such a building, a four-story 60-classroom building built in eight months, and which we’re all very happy about that we’re all very proud, and it should demonstrate very clearly what can be achieved when something is used properly,” aniya pa rin.

Ang isang bagong school buildings ay itinayo ng Department of Public Works and Highways (DPWH), habang ang iba naman ay pinondohan ng SM Supermalls.

Dahil dito, pinasalamatan ni Pangulong Marcos ang DPWH, ang Department of Education, Quezon City government, at private sector partners para sa pagtulong na masiguro ang mabilis na pagkakayari ng proyekto.

“We’re working together. Makita naman talaga ninyo,” ang tinuran ni Pangulong Marcos.

“Basta’t pumasok sa proyekto ng tama ay ganito ang ating nagagawa. Patuloy nating gagawin iyan at patuloy nating titiyakin na ang pondo ng pamahalaan ay napupunta sa mga proyektong ganito,” aniya pa rin.

Aniya pa, ipagpapatuloy ng gobyerno na tiyakin na ang public funds ay gagastahin lamang sa mga proyekto na direktang mapakikinabangan ng mga mamamayan.

Ani Pangulong Marcos, ang mga gusali ay mayroong fire sprinkler system na awtomatikong matututop at mapipigil ang sunog.

Ang proyekto ay nakompleto sa loob lamang ng apat na buwan bago ang itinakdang iskedyul, nakahanay ito sa direktiba ng Pangulo na madaliin ang konstruksyon ng mga bagong pasilidad, pinalitan ang fire-damaged structure.

Matatandaang nangyari ang sunog noong June 15, 2025, nagresulta ng matinding pinsala sa old two-story building kung saan ang silid-aralan ay ganap na hindi magagamit.

Ang DPWH-built four-story Dao building ang ipinalit sa fire-damaged structure at ngayon at ngayon ay mayroong 36 classrooms, habang ang SM-funded Henry Sy Sr. Hall pinalitan ang lumang Narra Building at nagdagag ng 24 na silid-aralan.

Samantala, ang San Francisco High School, isa sa pinakamalaking public secondary schools isa bansa, nagsisilbi sa 6,800 mag-aaral. (KRIS JOSE)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here