MANILA, Philippines – Personal na nagtungo sa tanggapan ng Department of Justice (DOJ) si Iloilo 1st District Rep. Janette Garin upang maghain ng reklamong cyber-libel at/o perjury laban sa 18 ex marines at Atty.Levito Baligod.
Ayon kay Garin, minarapat niyang maghain ng reklamo dahil malinis ang kanyang konsensya at walang siyang ni isang maleta o bag na natanggap o naibigay sa kanya, sa kanyang opisina o maski sa sinumang miyembro ng kanyang pamilya.
Dagdag pa, ang kanyang paghahain ng reklamo ay upang matanong ng direkta ang mga dating sandalo patungkol sa alegasyon.
“Minarapat kung may-file para harap-harapan matanong ko sila, sino, kailan at saan sila nagbitbit ng allegedly maleta”, sabi ng Kongresista.
Sinabi pa ng mambabatas na nanindigan siya sa kanyang desisyon sang-ayon sa pagpursige ng kanyang abogado,pamilya at constitunents.
Giit niya , hindi dapat hinahayaan ang malaking kasinungalingan lalo na kung nagpapahamak sa integridad ng isang tao. Jocelyn Tabangcura-Domenden