Manila, Philippines – Kamakailan ay na-meet namin si Malolos Mayor Christian Natividad.
In fairness, bukod sa gwapo ay napaka-approachable at accommodating niya, huh! Kaya hindi na kami nagtataka kung bakit mahal na mahal siya ng kanyang constituents.
Sa pakikipag-chikahan namin sa magiting at mabait na mayor, nabanggit niya na nag-showbiz pala siya noon.
Nagkaroon siya ng ilang cameo roles sa pelikula ni Bong Revilla, Jr. at ng iba pang action stars.
Bukod pa rito ay naging Optical Media Board (OMB) chairman din siya noon after ni Ronnie Ricketts.
Isang taon lang daw ang stint niya rito dahil muli siyang kumandidato bilang alkalde.
Tanong namin kay Mayor Christian na isa ring abogado, kung sakaling isasalin sa pelikula ang buhay niya, sinong aktor ang gusto niyang gumanap.
Dalawa ang naging sagot niya, si Jomari Yllana at Joko Diaz, na paborito niyang mga aktor.
Sabi namin sa kanya, bagay na gumanap sa bio-pic niya si Jomari dahil in fairness sa kanya ay may hawig siya sa ex-husband ni Aiko Melendez.
Nahiya naman at medyo namula si Mayor Christian nang sinabihan siya na kamikha niga si Jomari.
Kuwento pa ni Mayor Christian, “Sobra hong makulay ang buhay ko, iba ‘yung pinagmulan ng buhay ko, e, survivor ho kasi ako.
“Ang tatay ko kasi ay isang national figure, dating Napolcom at dating congressman nang six terms, si Atty. Teodulo Natividad.”
Sa mga aktres naman, si Rhian Ramos ang paborito niya. Lagi raw niyang pinapanood noon si Rhian sa Pinoy adaptation ng Stairway to Heaven. Rommel Placente