Home ENTERTAINMENT Uge, na-bash, nagkulong sa cabinet!

Uge, na-bash, nagkulong sa cabinet!

3
0

Manila, Philippines – More than 35 years na si Eugene Domingo sa showbiz.

Ayon sa magaling na aktres at komedyanana, noong una raw ay hindi niya feel pumasok sa showbiz lalo na’t teatro ang kanyang background.

Naisip din daw niya noon kung may tama siyang pasensya sa puyatan at paghihintay ng primadonang stars sa set.

Pero dahil isang faney daw siya at dala na rin ng ekonomiya ay maraming mga kaibigan ang humimok sa kanya na subukan ang pag-arte sa puting tabing.

So far, natutunan daw niyang mahalin ang pag-arte sa anumang klaseng disiplina.

Bilang celebrity, hindi rin daw siya immune sa bashers.

May pagkakataon daw noon na sobra siyang na-bash.

Ang ginawa raw niya noon ay nagtago siya sa cabinet para protektahan ang sarili sa ingay ng social media at di ma-distract ang kanyang core.

Aminado rin siyang sa pamamagitan ng kanyang roles na ginagampanan ay nagagamit niyang kasangkapan ang mga ito para isaboses ang kanyang paninindigan pagdating sa pulitika.

Para sa kanya, ang sikreto ng kanyang staying power sa industrya ay ang kanyang payak o simpleng pamumuhay.

Bagama’t nag-try daw siya ng branded items, hindi naman siya nahirati sa marangyang pamumuhay.

Di rin daw magarbo ang kanyang pamumuhay.

Payo rin niya sa mga kabataang artista ang mag-ipon ng pera.

Hindi raw naman kasi forever ang karera sa showbiz at hindi sa lahat ng panahon ay mabango ang pangalan ng isang celebrity.

Kung may ipon daw ang isang artista na may namesung, can afford siyang tumanggi sa putso-putsong role na iaalok sa kanya kung hindi na siya sikat.

Dagdag pa niya, iwasan din daw ng mga ito ang malugmok sa droga dahil pag nangyari iyon ay katapusan na ng kanilang mga karera. Archie Liao

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here