Home NATIONWIDE Gatchalian kay Cayetano, kaalyado: ‘Bukas pinto’t puso ko’

Gatchalian kay Cayetano, kaalyado: ‘Bukas pinto’t puso ko’

1
0

MANILA, Philippines – Inihayag ni Senate President Pro-Tempore Sherwin Gatchalian na nananatiling bukas ang kanyang pintuan at puso kay Senador Alan Peter Cayetano at kaalyado nito sa Senado.

Sa pahayag, sinabi ni Gatchalian na nasa kanya ang “operational and management control” ng Senado bukod sa inilipat ng Land Bank of the Philippines (LBP) ang signing authority sa kanya.

“Bukas yung aking tanggapan (Our office is open). So my doors are open. My heart is open,” ayon sa senador.

“I already has “operational and management” control of the upper chamber and that Land Bank of the Philippines has already transferred signing authority to me,” aniya.

Ibig sabihin, aniya, maaari siyang magpalabas ng tseke at debit document mula sa accounts ng Senado sa LBP na isang malinaw na ebidenisya ng operational control.

Sinabi pa ni Gatchalian na nakapag-usap na siya sa lahat ng Senate staff upang tiyakin na hindi sila maapektuhan ng sigalot sa liderato. Aniya, marami pang empleyado ang kinakabahan hinggil kung paano sila mababayaran sa gitna ng sigalot.

 “That’s why in the last few days sobrang busy talaga looking at the process ng suweldo and pagbabayad ng expenses ng Senado,” paliwanag ng lider ng Senado.

Nakatakda din umanong lagdaan niya ang ilang tseke at debit arrangement para sa pagpapalabas ng insentibo sa empleyado.

Inaprubahan din niya ang promosyon ng walong kawani ng Senado na sinuri ng promotion board ng Mataas na Kapulungan.

Sa kabilang banda, sinabi naman ni Senador Panfilo Lacson na kinilala ng Mababang Kapulungan, at Civil Service Commission ang liderato ni Gatchalian na kaya walang pagdududa na bagong Senate majority ang kanilang bloke.

Ibinasura naman ni Gatchalian ang panukala ni Cayetano na magkaroon ng interim arrangement sa dalawang signatories sa dokumento bilang pagkakasunduan.

Ayon kay Gatchalian, nagsauli na ang mga dokumento si dating Senate secretary Jose Luis Montales.

Ibinasura din ni Gatchalian ang framing ni Cayetano sa Senado na nahahati bilang isa para sa Malacañang at isa kumakatawan sa mamamayan.

“There’s only one Senate. It’s the Senate of the Philippines,”  ani Gatchalian.

Inihahanda din niya ang agenda kapag nagkaroon ng special session upang makahabol ang Senado sa hindi natapos na gawain kabilang ang naunsiyaming kumpirmasyon ng ilang opisyal ng military at ilang briefings hinggil sa panukala na nasa ikatlong pagbasa. Ernie Reyes

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here