Home METRO “Tent cities” itatayo para sa mga lumikas, natatakot bumalik sa kanilang bahay...

“Tent cities” itatayo para sa mga lumikas, natatakot bumalik sa kanilang bahay sa Mindanao – PNP

3
0

MANILA, Philippines – Inatasan ang mga pulis sa mga lugar na tinamaan ng magnitude 7.8 na lindol sa Mindanao na tumulong sa pagtatayo ng mga ligtas na “tent cities” para sa mga residenteng lumikas at natatakot bumalik sa kanilang mga bahay dahil sa patuloy na aftershocks.

Ayon kay PNP Chief Gen. Jose Melencio C. Nartatez Jr., nakikipag-ugnayan na ang Philippine National Police (PNP) sa mga local government unit (LGU) para tukuyin ang mga ligtas na lugar kung saan maaaring magtayo ng pansamantalang tirahan para sa mga apektadong pamilya habang isinasagawa pa ang damage assessment.

“We understand that many of our fellow Filipinos are still anxious about returning to their homes because of the continuing aftershocks,” ani Nartatez.

“The PNP stands ready to support our local government units and partner agencies in establishing safe and secure tent cities where affected families can temporarily stay with peace of mind while authorities complete structural assessments and recovery efforts,” dagdag niya.

Batay sa ulat, umabot na sa 45 ang nasawi sa lindol, habang 630 naman ang sugatan. Halos 150,000 katao ang naapektuhan sa Regions 9, 11, 12, at Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM).

Mahigit 32,000 indibidwal ang nasa evacuation centers, habang nasa 9,000 pa ang tinutulungan ng gobyerno sa labas ng mga ito dahil sa pangamba sa aftershocks at integridad ng mga gusali.

Ayon pa kay Nartatez, patuloy ang suporta ng PNP sa disaster response upang mapanatili ang kaayusan at kaligtasan sa mga apektadong lugar.

“Whether you choose to stay in designated evacuation centers or in makeshift tent spaces, your police force will be there to protect you and your properties,” ayon pa sa kanya. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here