Home NATIONWIDE PBBM: Napapanahong hustisya kabilang sa ‘most important services’ ng gobyerno

PBBM: Napapanahong hustisya kabilang sa ‘most important services’ ng gobyerno

2
0

MANILA, Philippines – SINABI ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., na ang napapanahong paghahatid ng hustisya ay kabilang sa itinuturing na ‘most essential services’ na maibibigay ng gobyerno.

inihayag ito ng Pangulo matapos pangunahan ang oath-taking ng mga bagong elected prosecutors ng National Prosecution Service (NPS) sa Palasyo ng Malakanyang.

Sa isang social media post, sinabi ni Pangulong Marcos na patuloy na pinalalakas ang ‘prosecution system’ ng bansa at pinalalawak ang access sa hustisya sa mga komunidad sa buong bansa.

Kinilala naman ng Pangulo ang mga hamon na kinahaharap ngayon ng maraming fililipino na naghahanap ng legal na remedyo.

“For too many Filipinos, justice can feel distant, slow and out of reach,” ang sinabi ng Pangulo.

Aniya, nagtatrabaho ang gobyerno para tugunan ang hinaing ng mga ito sa pamamagitan ng pagpapalakas sa NPS at pagde-deploy ng mas maraming mga tagausig sa buong bansa.

“That is why we continue to strengthen the National Prosecution Service and bring more prosecutors into communities across the country,” aniya pa rin.

Winika ng Pangulo na ang isang epektibong gobyerno ay nasusukat hindi lamang sa polisiya kundi maging sa kakayahan na maghatid ng serbisyo na direktang nakakaapekto sa buhay ng mga tao.

“A government that works is one that delivers results people can feel. And justice delivered on time is one of the most important services government can provide,” aniya pa rin.

Ang NPS, sa ilalim ng Department of Justice, ay may atas na magsagawa ng preliminary investigations at pag-uusig sa mga kriminal sa ngalan ng gobyerno. KRIS JOSE

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here