MANILA, Philippines — Nagpataw ng sanctions ang China laban kay Defense Secretary Gilbert “Gibo” Teodoro Jr. dahil sa tinawag nitong “irresponsible remarks,” na lalong nagpainit sa tensyon sa pagitan ng Beijing at Maynila kaugnay ng mga sigalot sa South China Sea.
Sa online statement nitong Huwebes, sinabi ng isang hindi pinangalanang spokesperson ng Chinese foreign ministry na pagbabawalan si Teodoro, kanyang asawa, at anak na makapasok sa mainland China, Hong Kong, at Macau.
Ayon pa sa pahayag, hindi rin pahihintulutan ang “organizations and individuals in China” na “engage in any transaction, cooperation or other activities with him and his spouse and child.”
Sinabi ng China na ang mga pahayag ni Teodoro ay “undermines China’s legitimate interests and sabotages China-Philippines relations,” ngunit hindi nito tinukoy kung aling remarks ang naging dahilan ng sanctions.
Dumating ang hakbang sa gitna ng patuloy na tensyon sa pagitan ng Pilipinas at China sa South China Sea, kung saan inaangkin ng Beijing ang halos kabuuan ng strategic waterway sa kabila ng international ruling na nagbasura sa mga claim nito.
Regular na nagpapadala ang China ng navy at coast guard vessels upang hadlangan ang Pilipinas sa mahahalagang reef at isla sa lugar.
Sa isang summit sa Singapore noong nakaraang buwan, binatikos ni Teodoro ang mga aktibidad ng Beijing sa disputed waters at sinabing ang Maynila “will not sacrifice our territorial integrity and sovereignty.”
Nang tanungin noong nakaraang linggo tungkol sa mga pahayag ni Teodoro sa summit, sinabi ni Chinese foreign ministry spokeswoman Mao Ning na siya ay “is known to vilify China.”
“All he cares is selfish personal gains to the point that he would perform political theatrics even when people’s well-being is at stake,” pahayag ni Mao. Dave Baluyot