MANILA, Philippines — Iginiit ni negosyante at dating gobernador ng Ilocos Sur na si Luis ‘Chavit’ Singson na ang kasong cyber libel laban sa kanya ay bahagi umano ng pagtatangkang siraan at takutin siya dahil sa kanyang panawagan na imbestigahan ang umano’y anomalya sa mga flood control project.
“As I intensified my calls for a full investigation into the flood control controversy and sought answers regarding the use of flood control funds intended to protect Filipino communities from flooding, efforts to discredit and intimidate me soon followed,” ayon kay Singson.
Batay sa ulat, isinilbi ng pulisya ang arrest warrant laban kay Singson sa kanyang bahay sa Quezon City noong Huwebes. Nakapagpiyansa naman siya ng P60,000 ayon sa rekord ng korte.
Gayunman, itinanggi ni Singson na siya ay inaresto sa kanyang tahanan at sinabing kusa siyang nagtungo sa himpilan ng pulisya upang magpiyansa.
“What should have been a routine legal proceeding was an attempt to publicly humiliate me through the unauthorized circulation of my booking photograph,” aniya.
Kinuwestiyon din niya ang umano’y mga hindi pangkaraniwang pangyayari sa kaso, kabilang ang pagtalaga ng isang hukom na wala sa kanyang lalawigan at ang bilis ng pag-usad ng proseso.
“If asking where the people’s money went and who benefited from it is enough to earn a cyber libel case, then it only proves that these questions are hitting where they hurt most,” dagdag niya.
Sabi pa ni Singson: “Hindi ba kapansin-pansin na habang lumalabas ang mga detalye ng korapsyon, ang mga nagsasalita tungkol dito ang siyang pinatatahimik at sinasampahan ng kaso?”
“I will not be silenced. No arrest, no case, and no amount of political pressure will stop me from pursuing the truth and uncovering who the real mastermind is behind this scandal,” dagdag pa niya.
Sa kasalukuyan, wala pang inilalabas na detalye tungkol sa cyber libel case, kabilang ang pagkakakilanlan ng naghain ng reklamo. Santi Celario