Home NATIONWIDE Halos 4,000 aftershocks, naitala kasunod ng Mindanao quake — PHIVOLCS

Halos 4,000 aftershocks, naitala kasunod ng Mindanao quake — PHIVOLCS

3
0

MANILA, Philippines — Umabot na sa 3,860 ang bilang ng mga aftershocks na naitala ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology hanggang alas-9 ng umaga nitong Biyernes matapos ang magnitude 7.8 na lindol na tumama sa Mindanao noong Hunyo 8.

Ayon sa PHIVOLCS, 966 sa mga aftershocks ang na-plot habang 64 naman ang naramdaman ng mga residente sa mga apektadong lugar.

Naitala ang lakas ng mga pagyanig mula magnitude 1.2 hanggang magnitude 6.4.

Nakuha ang datos mula sa General Santos Seismic Station at Don Marcelino Seismic Station sa Davao Occidental.

Samantala, iniulat ng Office of Civil Defense na umakyat na sa 55 ang bilang ng mga nasawi dahil sa lindol. Ayon kay OCD deputy spokesperson Diego Mariano, nasa 1,120 katao ang sugatan habang 31 pa ang nananatiling nawawala.  Santi Celario

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here