Home HOME BANNER STORY VP Duterte sa Pinoys: Piliin ang katotohanan, pananagutan at pag-asa

VP Duterte sa Pinoys: Piliin ang katotohanan, pananagutan at pag-asa

4
0

DAVAO CITY — Hinimok ni Bise Presidente Sara Duterte ang mga Pilipino na piliin ang katotohanan, pananagutan, at pag-asa kasabay ng pagdiriwang ng ika-128 Araw ng Kalayaan.

Sa kanyang talumpati sa Davao City nitong Biyernes, sinabi ni Duterte na ang kalayaan at soberanya ng bansa ay hindi lamang nalalagay sa panganib dahil sa panlabas na banta kundi maging sa korapsyon, pang-aabuso sa kapangyarihan, at mahinang pamamahala.

“Piliin natin ang katotohanan. Piliin natin ang pananagutan. At higit sa lahat, piliin natin ang pag-asa,” ani Duterte.

“On this Independence Day, let us resolutely stand up again for truth, for accountability, for freedom, and for sovereignty,” dagdag niya.

Binigyang-pugay din ni Duterte ang mga bayaning Pilipino na nakipaglaban para sa kalayaan ng bansa at iginiit na ang kasarinlan ay bunga ng sakripisyo at katapangan ng mga naunang henerasyon.

Ayon sa kanya, ang korapsyon ay isa ring banta sa soberanya dahil inaalisan nito ng mga pangunahing serbisyo at oportunidad ang mamamayan.

“Every peso stolen from the people’s treasury steals a child’s freedom from hunger. It steals a student’s freedom from illiteracy or substandard education. It steals a patient’s freedom to obtain quality healthcare,” aniya.

Dagdag pa niya, higit pa sa pera ang ninanakaw ng korapsyon.

“It steals opportunity, it steals dignity, and it steals hope. And ultimately, it steals freedom itself,” sabi ni Duterte.

Hinimok din niya ang publiko na patuloy na ipagtanggol ang demokrasya at huwag tanggapin ang mahinang pamamahala bilang kapalaran.

“Sovereignty survives only when a people refuse to surrender it,” ani Duterte.

“Hope survives when citizens refuse to accept bad governance as their destiny,” dagdag niya. Santi Celario

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here