Home METRO Fetus natagpuan sa kahon ng sapatos malapit sa simbahan sa Maynila

Fetus natagpuan sa kahon ng sapatos malapit sa simbahan sa Maynila

4
0

MANILA, Philippines — Isang fetus na nakasilid sa kahon ng sapatos ang natagpuan sa isang basurahan sa tapat ng simbahan sa Pandacan, Maynila, ayon sa mga awtoridad na nagsasagawa na ng imbestigasyon sa insidente.

Makikita sa CCTV footage ang isang lalaking nakabisikleta na huminto sa tabi ng basurahan sa harap ng isang convenience store sa Jesus Street dakong alas-4 ng madaling araw noong Miyerkules. Habang kinakalkal ang mga basura, binuksan niya ang isang itim na plastic bag at tila nagulat bago agad umalis sa lugar.

Kalaunan, nagsagawa ng inspeksyon ang mga pulis at residente at natuklasan ang fetus na inilagay sa loob ng kahon ng sapatos malapit sa Santo Niño de Pandacan Church.

“Medyo alarming na po… Opo, buo na siya… Actually may gender na siya, male, siguro approximately nasa 5-6 months na po,” pahayag ni Barangay 848 Captain Kerstin Resurreccion.

Ayon sa barangay, hindi pa matukoy kung sino ang nagtapon sa fetus. Nakikipag-ugnayan na rin sila sa isang punerarya upang matiyak na magkakaroon ito ng maayos na paglilibing.

“Kung ang aso nga po at pusa na inaalagaan ngayon, meron nang maayos na burol, sana po ‘yung ganito, mabigyan naman ng decent na wake para ma i-lay to rest sila,” ani Resurreccion.

Nai-turn over na ang kaso sa Homicide Section ng Manila Police District at nagpapatuloy ang imbestigasyon upang matukoy ang responsable at masampahan ng kaukulang reklamo. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here