Home ENTERTAINMENT Tali, semi-reg na sa Eat Bulaga!ENTERTAINMENTSHOWBIZTOP STORIES Tali, semi-reg na sa Eat Bulaga!June 13, 2026 17:3720 FacebookTwitterPinterestWhatsApp Manila, Philippines – Semi-regular na nga ba si Tali (Talitha) na anak nina Bossing Vic Sotto at Pauleen Luna sa Eat Bulaga?Nitong Sabado, nakisabay pa si Tali sa Daddy niya sa Bulagaan segment.Nakiki-sing along din si Tali minsan sa jamming ng Dabarkads.Obyus na nag-e-enjoy ang bagets sa pagkanta–reminiscent ng tsika dati ni Bossing tungkol sa anak.Mas nauna pa daw kasing kumanta si Tali kesa magsalita, to the point na dinadaan nito sa kanta ang sasabihin.And what’s amazing: saulado na daw ni Tali ang hinataw na kanta ni Bossing.Paano naman kasi–nag-voice lesson na si Tali sa RMA Studio Academy o sa Riccio Music Academy.Ayon kay Pauleen, natutuwa daw ang anak pag sumasali sa Dabarkads, who describes Eat Bulaga as Tali’s playground.Huwag ding isnabin ang bunso nilang si Mochi na aliw din sa pino-post nito sa social media. Ronnie Carrasco III