Home NATIONWIDE PBBM, binati si Trump sa kanyang kaarawan

PBBM, binati si Trump sa kanyang kaarawan

5
0

MANILA, Philippines – Nagpaabot nang pagbati si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. kay United States (US) President Donald Trump na nagdiwang ng kanyang ika-80 kaarawan.

Si Trump ay nagdiwang ng kanyang kaarawan nito lamang Hunyo 14.

Ang birthday wish ng Pangulo kay Trump ay patuloy na tagumpay ngayong taon.

“Happy Birthday, President Trump. On behalf of the Filipino people, I wish you good health, happiness and continued success in the year ahead,” ang sinabi ni Pangulong Marcos sa kanyang Facebook post.

Kinilala ng Pangulo kung paano ang liderato ni Trump ay nakaapekto sa Estados Unidos sa napakahalagang panahon.

“Your leadership continues to shape the direction of the United States at a consequential moment in its history, while influencing developments and discussions on many of the most pressing issues facing the international community today,” ang sinabi ni Pangulong Marcos.

Umaasa naman ang Pangulo na ang matatag na pagkakaibigan sa pagitan ng Pilipinas at Estados Unidos ay “will continue to grow stronger in the years ahead.” (KRIS JOSE)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here