Home OPINION ‘THE BIG ONE’ KATULAD NG MAGNITUDE 7.8 SA MINDANAO (2)

‘THE BIG ONE’ KATULAD NG MAGNITUDE 7.8 SA MINDANAO (2)

4
0

ITULOY natin ang paksang posibleng paggalaw ng “The Big One” o West Valley Fault anomang araw.

Ayon sa tantiya ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology, magnitude 7.2 ang maksimum na lakas nito.

Ngunit wala talagang nakasisiguro rito dahil posibleng pa ring maging kasing-lakas o mas malakas pa ito sa magnitude 7.8 na lindol sa Mindanao nitong Hunyo 13.

Ipagpalagay na lang umano na aabot lang sa magnitude 7.2 ang lakas, ang pagyanig sa ibabaw ng lupa o intensity naman ay higit na nakatatakot.

BATAYAN AT NAKATATAKOT NA PAGYANIG

Sinasabing magmumula ang The Big One sa ilalim ng lupa mga 10-15 kilometro.

Ang Mindanao quake, sinukat ng Phivolcs na nagmula sa 33 kilometro mula sa ilalim ng lupa sa karagatan ng Sarangani Province.

Pero ang United States Geological Survey, nagsabing nagmula ito sa 55.2 km mula sa ilalim ng lupa; European-Mediterranean Seismological Centre – 45 km; at BMKG (Indonesia) – 47 km.

Ang Baguio City-Cabanatuan City-Central Luzon quake noong Hulyo 16, 1990, nanggaling ang lindol sa lalim na 25-36 km.

Paliwanag ng mga volcanologist, mga Bro, magkaiba ang magnitude o lakas mismo ng lindol sa intensity o pagyanig sa ibabaw ng lupa makaraan.

Heto ngayon ang nakatatakot, dahil manggagaling lang ang The Big One sa 10-15 km sa ilalim ng lupa, posible umanong matutumbasan nito o hihigitan pa ang pinsala ang mga pinsala sa Mindanao at Baguio-Cabanatuan quake.

Ito’y dahil sa rami ng mga tao at istruktura na nakapaligid sa The Big One.

Imadyinin na lang natin ang katotohanang, sa Metro Manila, nasa pagitan ng EDSA at C-5 ang The Big One.

Paano ang mga sanga na malilikha nito mula Bulacan, Metro Manila hanggang laguna at Cavite?

Kabilang sa mga sanga ay pupunta sa Rizal sa silangan at Valenzuela, Caloocan, Manila, Pasay, Paranaque at iba pa sa parteng kanluran.

Posible pa umanong may matutunaw na lupa dahil nga may Laguna de Bay sa parteng silangan at may Manila Bay sa kanluran.

50,000 + 100,000 MAMAMATAY

Ayon sa ilang taga-Phivolcs at ibang eksperto gaya ni Resilience Architect Jose Miranda, posibleng may mamatay na nasa 50,000 katao sa kahabaan ng 100 kilometrong The Big One.

Binubuo ang 50,000 ng nasa 30,000 agad masasawi sa pagguho ng mga istruktura at ang 20,000, mga survivor ngunit hindi kaagad mabigyan ng atensyon gaya ng mga labis na mapinsala ang mga katawan at maaaring makaabot pa nang buhay sa mga pagamutan.

Ayon naman sa ilang opisyal ng Bulacan Provine, kung madamay at magiba ang Angat Dam, dadaluhungin ng 30 metro baha nito ang maraming lugar sa lalawigan na posibleng ikamatay ng nasa 100,000 katao.

Posibleng manggagaling umano ang maraming kamatayan sa 1-5 storeys na gusali dahil mas marupok ang gawa rito at susunod ang mga nasa 6-15 storeys at susunod ang mga nasa mas matataas ng gusali ngunit pinakaunti ang biktima dahil pinakamatitibay ang mga ito.

Kaya, laging maghanda lahat sa The Big One.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here