Home NATIONWIDE Gatchalian: Quorum ng 12 puwedeng magpatuloy sa special session kahit wala ang...

Gatchalian: Quorum ng 12 puwedeng magpatuloy sa special session kahit wala ang Cayetano bloc

3
0

MANILA, Philippines – Sinabi ni Senate President Pro Tempore Sherwin Gatchalian nitong Martes na maaaring ituloy ang special session ng Senado kahit hindi dumalo ang mga senador mula sa Cayetano bloc, basta may quorum na 12 senador.

Ayon kay Gatchalian, ang basehan nito ay ang “Avelino case,” na ginamit din ng kanyang bloc sa pagbabago ng liderato sa Senado noong Hunyo 3.

“Yes, because of the Avelino case, we have a quorum,” sabi niya nang tanungin kung tuloy ang session kahit wala sina Sen. Alan Peter Cayetano at mga kaalyado nito.

Gayunman, patuloy na hindi tiyak ang pagdalo ng Cayetano bloc sa special session sa Miyerkules, lalo na’t wala silang pagdalo sa mga nakaraang session days.

Sa ngayon, si Sen. Joel Villanueva pa lamang mula sa Cayetano wing ang nagpahayag ng posibleng pagdalo.

Ang special session ay ipinatawag ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. para sa pagpasa ng mga urgent na panukalang batas na napagkasunduan sa Legislative Executive Development Advisory Council (LEDAC).

Muling nanawagan si Gatchalian sa lahat ng senador na dumalo upang hindi masayang ang pagkakataon na maipasa ang mga pending na batas. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here