Home METRO Sunog sumiklab sa condo sa Kyusi

Sunog sumiklab sa condo sa Kyusi

3
0

MANILA, Philippines – Sumiklab ang sunog sa Olympic Heights Tower 3 sa Barangay Bagumbayan, Quezon City, nitong umaga ng Hunyo 18, na mabilis na umabot sa ikatlong alarma habang makapal na usok ang bumalot sa gusali at nagdulot ng paglikas ng mga residente.

Ayon sa Bureau of Fire Protection (BFP), unang naiulat ang insidente bandang 6:53 a.m. bilang rubbish fire at agad na rumesponde ang mga bumbero.

Habang lumalakas ang apoy, itinaas ng mga awtoridad ang antas ng alarma at siniguro ang ligtas na paglikas ng mga residente. Agad ding isinailalim sa inspeksyon ang lugar upang matiyak kung may mga nasugatan o nasawi.

Naideklarang kontrolado ang sunog bandang 9:28 a.m., ayon kay Fire Senior Supt. Roberto Samillano Jr., Quezon City District fire marshal.

Patuloy pa ang imbestigasyon upang matukoy ang sanhi ng sunog, lawak ng pinsala, at kung may mga nasaktan sa insidente. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here