Home METRO Visayas grid muling isinailalim sa yellow alert

Visayas grid muling isinailalim sa yellow alert

3
0

MANILA, Philippines – Muling isinailalim sa yellow alert ang Visayas power grid mula 3 p.m. hanggang 10 p.m. nitong Huwebes dahil apat na generating units ng malalaking coal-fired power plants ang nananatiling naka-forced outage.

Ayon sa National Grid Corporation of the Philippines (NGCP), hindi pa rin gumagana ang Unit 1 ng KEPCO-SPC Power Corporation, Units 1 at 2 ng Therma Visayas Inc., at Unit 3 ng Panay Energy Development Corporation (PEDC).

Bagama’t inaasahang magbabalik-operasyon ang PEDC Unit 3, nananatili pa rin itong naka-forced outage. Dahil dito, ang available capacity ng grid na humigit-kumulang 2,570 megawatts (MW) ay hindi sapat upang matugunan ang contingency requirement habang inaasahang aabot sa 2,452MW ang peak demand.

Iniulat din ng NGCP na may kabuuang 11 power plants na kasalukuyang naka-forced outage ngayong Hunyo. Kabilang dito ang walong planta na outage mula pa noong Mayo 2026, isa mula Marso, tatlo mula 2025, dalawa mula 2024, dalawa mula 2023, at isa mula pa noong 2021.

Bukod dito, may 10 power plants na tumatakbo sa derated capacity o mas mababang kapasidad. Dahil dito, umaabot sa humigit-kumulang 964.4MW ang kabuuang hindi magamit na kapasidad sa Visayas grid. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here