CAVITE, Philippines – Dalawang hinihinalang nagbebenta ng ilegal na droga na nasa listahan drug personalities ang naaresto matapos ang isinagawang buy-bust operation sa Barangay Salud, General Mariano Alvarez, Cavite.
Ayon sa nakalap na report, mula sa pulisya, kinilala ang mga suspek sa mga alyas na “Kerker,” 32 anyos at residente ng Barangay Elises, at “Bryan,” 21 anyos at residente ng Barangay Poblacion 4 ng nasabing bayan.
Sa ulat ng Municipal Drug Enforcement Team (MDET), isinagawa ang operasyondakong alas-6:15 ng gabi ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA). kung saan nakumpiska rito ng apat na heat-sealed transparent plastic sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu na may kabuuang timbang na tinatayang 0.50 gramo at may street value P3,400 ang halaga nito.
Narekober ri ln mula suspek ang isang improvised firearm, isang bala ng caliber 9mm, dalawang piraso ng P100 buy-bust money, at isang coin purse.
Base naman kay Cavite Police Provincial Director PCOL Ariel R. Red patuloy ang pagpapatupad at maigting na kampanya ang isinasagawa ng kapulisan sa lalawigan laban sa ilegal na droga at iba pang uri ng kriminalidad.
Nasa kustodiya ng pulisya ang mga naarestong suspek habang inihahanda ang kaukulang kasong isasampa laban sa kanila. MARGIE BAUTISTA