CAVITE, Philippines – Isang motorcycle rider ang namatay makaraang bumangga ang minamanehong motorsiklo sa sidecar ng isa pang rider matapos lumipat sa tinatahak na lane sa kahabaan ng Brgy Manggas 2 Alfonso, Cavie, Miyerkules ng gabi.
Naisugod pa sa Mendez Specialist Hospital ang biktimang si alyas Dencio subalit namatay habang ginagamot dahil sa tinamong sugat sa katawan.
Base ulat, kapwa binabagtas ng dalawang rider ang kahabaan ng Brgy Mangas 2, kung saan si alyas Raffy sa eastbound inner lane ng bypass na may sidecar habang westbound opposite lane naman si alyas Dencio.
Napag alaman na pagsapit sa nasabing kalsada si alyas Dencio ay lumipat ng lane dahil sa makitid ang dadaanan dahilan upang bumangga ito sa motorsiklo ni alyas Ruffy hanggang sa tumama ang kanyang sidecar.
Mabilis namang nadala apgamutan si alyas Dencio subalit namatay habang ginagamot. MARGIE BAUTISTA