CAVITE, Philippines – Isang lalaki na may kasong rapeat nasa listahan ng Regional Level Most Wanted Person makaraang madakip ng pulisya sa isinagawang operasyon sa Brgy. Cabilang Baybay, Carmona, City Cavite.
Base sa report ng pulisya, Kinilala ang naarestong suspek na si alyas na “Jester,” residente ng General Mariano Alvarez, Cavite.
Ayon sa Dakong alas-2:55 ng hapon nang maaresto siya batay sa umiiral na warrant of arrest kaugnay ng kasong Rape.
Ayon sa ulat, isang warrant of arrest ang na inilabas ng Regional Trial Court Branch 109 sa Carmona City noong Disyembre 5, 2024. Nakasaad dito na walang inirekomendang piyansang para sa pansamantalang paglaya ng suspek.
Kasalukuyang nasa kustodiya ng Carmona CCPS ang suspek upang harapin ang kasong kanyang kinakaharap.
Pinuri naman ni PCOL Ariel R. Red , Provincial Director ng Cavite Police ang matagumpay na operasyon.
“Ang pagkakaaresto sa isang Regional Level Most Wanted Person ay patunay ng patuloy na dedikasyon at koordinadong pagsisikap ng ating kapulisan sa pagpapatupad ng batas. Walang sinuman ang makapagtatago sa pananagutan sa batas,” ani Red. MARGIE BAUTISTA