Home METRO Lalaki walang-habas na nagpaputok ng baril dinamba ng mga parak sa Bocaue

Lalaki walang-habas na nagpaputok ng baril dinamba ng mga parak sa Bocaue

3
0

BULACAN, Philippines – Arestado ang isang lalaking walang habas na nagpaputok ng baril sa bakanteng paradahan sa bayan ng Bocaue nitong madaling araw ng Hunyo 18.

Sa ulat ni PLTCOL Gilbert Diaz, hepe ng Bocaue police station, kinilala ang suspek na si alyas “Tonjie”, 29, residente ng Northville 5, Brgy. Batia.

Ayon sa ulat, bandang 11:45 ng gabi  nitong Hunyo 17, nakatanggap ng impormasyon mula sa Brgy. Batia ang mga operatiba ng istasyon na may indibiduwal na paulit-ulit umanong nagpaputok ng baril sa likod-bahat ng kanyang tirahan.

Dahil dito, agad rumesponde ang mga operatiba sa lugar kaya naaresto kalaunan ang suspek bandang 1:10 ng madaling araw nang inginuso mismo ng concerned resident.

Nakumpiska ng mga operatiba ang 9mm na baril na walang brand at may serial number na 969343 na isusumite sa Bulacan Provincial Forensic Unit para sa Ballistic examination mula sa suspek na nahaharap sa kaukulang mga kaso.

“Hindi natin kukunsintihin ang mga ilegal na paggamit at pagdadala ng mga baril na nagdudulot ng panganib sa ating mga komunidad. Patuloy ang ating mahigpit na pagpapatupad ng batas upang mapanatili ang kapayapaan at seguridad ng bawat mamamayan ng Bulacan,” ani PCOL Jay B. Baybayan, Acting Provincial Director ng Bulacan police. (Dick Mirasol III)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here