Home ENTERTAINMENT Dennis, ayaw tantanan ang mga anak, kinuyog!ENTERTAINMENTSHOWBIZTOP STORIES Dennis, ayaw tantanan ang mga anak, kinuyog!June 18, 2026 18:2320 FacebookTwitterPinterestWhatsApp Manila, Philippines – May followup post si Dennis Padilla after niyang i-post ang tungkol sa anak na si Claudia at petition nito for name change.Sa pagkakataong ito, nag-post ang komedyante ng photo nila ng kanyang mga anak na sina Julia at Claudia in their younger years.Ayon sa overlay text: “Miss you…Julia and Claudia Baldivia…with or without the family name…Same love, same hope.”Nag-post din si Dennis sa comment box ng kanyang Instagram: “If my sadness will bring joy to you, my children…my heart is full…Same love same hope.”For sure, it will break Dennis’ heart dahil most of the comments ay siya ang sinisisi kung bakit nawalan na ng amor sa kanya ang kanyang mga anak.May pakiusap kay Dennis na tantanan na niya ang kapo-post dahil naba-bash ang mga anak niya.Paawa effect lang daw ang aktor who needs to consult a doctor.Mabuti daw at nag-decide na din ang mga anak ng tinawag nilang “parang eng eng.”Deserve daw ‘yon ni Dennis na “mahilig magpa-victim”!May pumagitna namang netizen–na maging “kind” kay Dennis at mas mabuting manahimik na lang. Ronnie Carrasco III