Home ENTERTAINMENT Donny, full support sa Rico-Sue movie!ENTERTAINMENTSHOWBIZTOP STORIES Donny, full support sa Rico-Sue movie!June 18, 2026 18:2520 FacebookTwitterPinterestWhatsApp Manila, Philippines – Tunay na maaasahan sa kanyang suporta si Donny Pangilinan.Ikinatuwa nga ng marami ang pagsipot ng Kapamilya actor sa preem night ng pelikula nina Sue Ramirez at Rico Blanco, ang Project Baby.Ginanap ang event nitong June 9 sa Eastwood Cinemas.Hindi nga daw kasing makuhang magpahinga ni Donny pagkatapos libutin ang bansa kasama si Belle Mariano.Ito’y para i-promote ang kanilang movie.Sa halip ngang magpahinga, nakuhang suportahan ni Donny ang Sue-Rico movie–bagay na ikinahanga ng mga fans.Mismong ang mga tao sa sinehan ang nagsasabing walang kaere-ere sa katawan si Donny.Sa kabila kasi ng box office success ng movie nila ni Belle, level-headed pa din daw ito kung umasta.Siyempre, hindi mawawala sa event si Dominique Roque in support of Sue.Incognito, nandoon din kaya ang mystery girl na naka-shorts na kasamang naglalakad ni Rico sa mall kamakailan?Malamang! Ronnie Carrasco III