MANILA, Philippines – Walang nakasungkit ng jackpot sa dalawang pangunahing laro ng lotto ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) sa isinagawang draw nitong Huwebes, Hunyo 18.
Ayon sa PCSO, walang nakahula sa winning combination na 27-26-21-06-20-16 para sa Superlotto 6/49 kaya nanatiling nakataya ang jackpot na P33.84 milyon.
Wala rin namang nanalo sa Lotto 6/42 matapos walang tumama sa numerong 07-36-31-03-35-42 para sa jackpot na nagkakahalaga ng P34.25 milyon.
Dahil dito, mas lalo pang lalaki ang mga jackpot prize sa mga susunod na draw ng PCSO. RNT