MANILA, Philippines — Karamihan sa mga Pilipino ay alinlangan o hindi pa makapagpasya kung magiging patas, walang kinikilingan, at nakabatay sa ebidensya ang pagdinig ng Senado sa impeachment trial ni Pangalawang Pangulo Sara Duterte, ayon sa isang survey ng OCTA Research.
Batay sa survey na isinagawa noong Abril 20 hanggang 24 sa 1,200 adult respondents sa buong bansa, 81 porsiyento ng mga kalahok ang nagpahayag ng pagdududa o hindi pa nagbibigay ng tiyak na pananaw kung ang mga senador ay magpapasya batay sa ebidensya at batas sa halip na pulitika.
Tanging 19 porsiyento lamang ang sumagot ng “yes” habang 32 porsiyento ang nagsabing “no” at 49 porsiyento ang sumagot ng “don’t know.”
Ayon sa OCTA, isinagawa ang survey bago pa man magsimula ang impeachment trial kaya dapat itong tingnan bilang isang “baseline measure of public perceptions” at hindi bilang “fixed opinions.”
“These results suggest that, even before the trial commenced, many Filipinos were reserving judgment regarding how senators would ultimately discharge their constitutional responsibilities as members of an impeachment court,” ayon sa OCTA.
Naitala sa Mindanao ang pinakamataas na antas ng pagdududa, habang mas mataas naman ang antas ng kawalan ng katiyakan sa Metro Manila at Balance Luzon.
Sa hanay ng mga socioeconomic class, mas maraming nasa Class E ang naniniwalang magpapasya ang mga senador batay sa ebidensya at batas, samantalang ang Class ABC ang may pinakamataas na antas ng kawalan ng katiyakan.
“These findings suggest that perceptions of the impeachment process are not uniform across the country and that expectations regarding fairness, impartiality and credibility vary significantly across regions and socioeconomic groups.”
May ±3 porsiyentong margin of error ang survey sa 95 porsiyentong confidence level, ayon sa OCTA Research. Santi Celario