Home METRO Higit P27.5M tobats na ipinalaman sa pampaganda, buking sa Pampanga

Higit P27.5M tobats na ipinalaman sa pampaganda, buking sa Pampanga

3
0

MANILA, Philippines — Nasamsam ng mga awtoridad ang mahigit P27.5 milyong halaga ng hinihinalang shabu na itinago sa mga beauty products sa Port of Clark sa Pampanga, ayon sa Bureau of Customs (BOC).

Nagmula sa Estados Unidos ang kargamento at nakatakdang ipadala sa isang recipient sa Mandaluyong City. Natuklasan ng mga opisyal ng adwana ang mahigit apat na kilo ng hinihinalang methamphetamine hydrochloride o shabu sa isinagawang inspeksyon.

Agad na isinuko sa Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang mga nakumpiskang droga para sa laboratory examination at karagdagang imbestigasyon.

Patuloy namang tinutukoy ng mga awtoridad ang pagkakakilanlan ng nagpadala at ng dapat na tatanggap ng naturang shipment.

Ayon sa BOC, bahagi ang pagkakasabat sa patuloy na kampanya ng pamahalaan laban sa pagpasok ng ilegal na droga sa bansa sa pamamagitan ng mga international cargo shipment. Dave Baluyot

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here