Home OPINION M8.5 LINDOL SA EAST LUZON TRENCH

M8.5 LINDOL SA EAST LUZON TRENCH

7
0

KASALUKUYAN pang iniinda ng bansa ang malakas na lindol sa Mindanao na sumira o sumalanta sa buhay ng nasa 1.6 milyong katao o 375,000 pamilya.

Kahit malayo tayo sa lugar, ramdam na ramdam natin ang malungkot na kalagayan ng mga biktima, lalo’t madalas umulan sa lugar dahil sa habagat at tag-ulan na may mga kasamang bagyo at low pressure area ngayon.

Sa mga video footage na pagpunta-punta ni Vice President Sara Dutete sa mga biktima na tanging mga lona lang ang bubong ng mga evacuee at umuulan-ulan sa lugar, ang lamig, ang lungkot ng mga biktima ay hindi maitatago.

Ang isang masaklap na balita, maaaring anomang araw ay may magaganap pang higit na malakas na lindol na maaaring mangyari sa bansa pa rin ngunit hindi na sa Mindanao kundi sa Luzon.

Ito’y bukod sa posibleng paglindol din ng West Valley Fault sa Mega Manila na maaaring umabot sa magnitude 7.2 o mas malakas pa.

MAGNITUDE 8.5 SA EAST LUZON TRENCH

Tumindig ang ating balahibo sa babala ni Office of Civil Defense Region 2 Director Albert Mogol na dapat paghandaan na ng Cagayan Valley ang posibleng paglindol ng East Luzon Trench o bitak ng lupa sa baybayin ng lalawigan ng Cagayan, Isabela at Quezon.

May magnitude itong 8.5 at higit na malakas sa mga magnitude 7.8 na lindol sa Mindanao kamakailan at sa Cabanatuan-Baguio noong 1990.

Isa sa nakatatakot na lilikhain ng lindol na ito ang tsunami na maaaring aabot sa mahigit 10 metro hanggang 100 metro.

Ang mahigit sa 10 metro ay kasing taas ng dalawang pirasong bakal na buo o 40 piye na pinagdugtong at kung aabot sa 100 metro, nasa limang pirasong tig-20 piye na bakal na dugtong-dugtong ang tsunami.

‘Yun bang === 28-33 na palapag ng gusali ang katumbas niyan.

Sino sa palagay ninyo ang mabubuhay diyan kung gagalaw ang tsunami na ganyan katas?

And East Luzon Trench ay nasa pagitan ng Polillo Island, Quezon at kalakhang bahagi ng baybayin ng mga lalawigan ng Cagayan, Isabela at Quezon at may haba itong 169 kilometro.

Kapag nagkatsunami, malulunod lahat ang nasa Polillo Island at ibang mga isla sa paligid at maging ang mga nakatira sa mga baybayin ng Quezon, Isabela at Cagayan sa parteng silangan.

65 KM KALAYO SA TUGUEGARAO CITY

Napakalapit ang East Luzon Trench sa Tuegarao City sa distansyang 65 kilometro lamang.

Dito sa Tuguegarao City nakatayo ang pinakamaraming gusali na matataas gaya ng mga hotel, eskwela at mga ospital sa rehiyon dahil ito ang sentro ng Region 2.

Nakatayo rito ang Cagayan State University, St. Paul University Philippines, University of Saint Louis at University of Cagayan Valley.

Nandito rin ang regional hospital na Cagayan Valley Medical Center at mga regional office ng pambansang pamahalaan.

Lahat pupwedeng magiba, kasama ang libo-libong tahanan.

Kaya gayun na lang ang pagbababala laban sa lindol ni Director Mogol at dapat na rin umanong masimulan ang pag-inspeksyon sa lahat ng mga gusali upang magawa ng paraan kung alin sa mga ito ang palalakasin upang mabawasan ang matinding pinsala sa buhay at ari-arian.

Naku po!

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here