TACLOBAN CITY – Mahigpit nang ipatutupad ng Tacloban City Government ang curfew para sa mga menor de edad mula alas-10 ng gabi hanggang alas-4 ng madaling araw kasunod ng pamamaril sa San Jose National High School.
Ayon sa pamahalaang lungsod, paiigtingin din ang police visibility at mga patrol operation sa San Jose District at iba pang pangunahing pampublikong lugar, kabilang ang Sangyawan Grounds, bilang bahagi ng mga hakbang upang mapanatili ang kaayusan at seguridad.








