Home METRO Curfew sa minors mahigpit na ipinatupad sa Tacloban, kasunod ng school shooting

Curfew sa minors mahigpit na ipinatupad sa Tacloban, kasunod ng school shooting

3
0

TACLOBAN CITY – Mahigpit nang ipatutupad ng Tacloban City Government ang curfew para sa mga menor de edad mula alas-10 ng gabi hanggang alas-4 ng madaling araw kasunod ng pamamaril sa San Jose National High School.

Ayon sa pamahalaang lungsod, paiigtingin din ang police visibility at mga patrol operation sa San Jose District at iba pang pangunahing pampublikong lugar, kabilang ang Sangyawan Grounds, bilang bahagi ng mga hakbang upang mapanatili ang kaayusan at seguridad.

(c) Tacloban PIO

Sinabi ng Tacloban City Police Office na hindi papayagang makapasok sa Sangyawan Grounds ang mga menor de edad maliban kung may kasamang magulang o legal guardian.

Ipinatupad ang mga hakbang bilang bahagi ng pinaigting na seguridad ng lungsod matapos ang insidente ng pamamaril na ikinasawi ng ilang estudyante at ikinasugat ng iba pa. Mary Anne Sapico

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here