MANILA, Philippines – Naghain ng dalawang magkahiwalay na reklamong graft ang Office of the Ombudsman laban kay Borbon, Cebu Vice Mayor Noel Dotillos sa hindi awtorisadong paglalabas ng P570,000 anniversary bonus at pagkuha sa asawa nito nang ito ay alkalde pa ng bayan.
Sinabi ng Ombudsman na naghain sila ng reklamo sa Cebu Regional Trial Court sa Bogo City, na may inirekomendang P90,000 piyansa sa bawat kaso.
Ang unang graft case ay nag-ugat sa paglalabas ni Dotillo ng anniversary bonus sa mga empleyado ng munisipyo noong 2019 nang walang kaukulang appropriation mula sa Sangguniang Bayan.
Sa motion for reconsideration, ipinaliwanag ni Dotillo at ng municipal budget officer na si Teresita Cabahug sa Office of the Ombudsman na ang kawalan ng appropriation para sa bonus ay procedural lapse at hindi agad nangangahulugan na graft.
“With no appropriation to support the subject disbursement, the Municipality of Borbon suffered undue injury in the amount of P570,000.00 as this sum was never supposed to be disbursed as an anniversary bonus,” saad sa ruling ng Ombudsman at sinabing ibinasura nila ang MR para sa naunang ruling.
“Simply put, the municipal government had no budget for an anniversary bonus, but respondents-movants authorized its grant anyway,” dagdag pa.
Sinabi rin ng Ombudsman na si Dotillos ay hindi humingi ng pag-apruba mula sa Sangguniang Bayan (SB) nang pumasok ito sa isang contract of service (COS) sa asawang si municipal health officer (MHO) Dr. Corazon Dotillos, noong 2024.
Si Dr. Dotillos ay nagretiro na noong 2021 ngunit sinabi ng asawa nito na walang doktor na handang magtrabaho bilang MHO sa Borbon.
Ang paliwanag na ito ayon sa state prosecutors ay “self-serving.”
Ayon sa Ombudsman, nagpakita si Dotillos ng partiality o evident bad faith sa pagpasok sa COS sa kanyang asawang doktor.
“Respondent Noel exhibited manifest partiality and/or evident bad faith when he renewed his wife’s COS on 15 April 2024 without securing the corresponding SB authorization,” sinabi sa ruling.
Wala pang tugon si vice mayor Dotillos kaugnay nito. RNT/JGC