Home NATIONWIDE Steel industry nanawagan kay PBBM: Sub-standard na bakal labanan vs trahedya sa...

Steel industry nanawagan kay PBBM: Sub-standard na bakal labanan vs trahedya sa lindol

4
0

MANILA, Philippines – Nanawagan ang mga stakeholder ng steel bar industry sa gobyerno na solusyunan ang pagkalat ng sub-standard na bakal sa bansa para maiwasan ang mas malalang pagguho ng gusali kapag may lindol o kalamidad.

Kaugnay ito ng sunod-sunod na pagguho ng mga istruktura, kabilang ang kamakailang insidente sa Saranggani.

Sa “Kapihan sa Manila Bay”, umapela si Dr. Jesus Lim Arranza, Chairman Emeritus ng Federation of the Philippine Industries o FPI, kay Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr na ipagbawal na ang induction furnace.

Ayon kay Arranza, ang mga furnace na ito ang tumutunaw ng scrap na bakal kaya maraming gusali ang gumuguho dahil sub-standard ang materyales.

Giit naman ni Philippine Iron and Steel Institute o PISI President Ronald Magsajo, dapat sumunod sa standard at construction code ang disenyo at materyales ng mga high-rise building.

“Nakita natin sa recent quake sa Cebu, Gensan — nag-ikot kami, ang mga structure na tinamaan ay mga storey houses at ang mga kababayan na gumagamit ng materyales ay hindi nagkonsulta sa arkitekto at engineer,” sabi ng mga eksperto.

Ayon kay Magsajo, may bago nang standard ang mga bakal na pirmado nitong 2026 ng Bureau of Standards pero hindi pa rin naipatutupad.

Dapat daw magsagawa ng forensic iron investigation ang mga ahensya sa mga gumuhong gusali at panagutin ang gumamit ng sub-standard steel bars, sabi ni Arranza.

Idinagdag ni Magsajo na may 28 planta ng induction furnace sa bansa na nagsusuplay ng mababang kalidad na bakal at hindi pa pasado sa environmental laws.

Ang induction furnace ay gumagamit ng electromagnetic induction para tunawin ang steel scrap, pig iron, at ferroalloys. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here