Home METRO P6.8-M shabu nasamsam sa buy-bust; 1 arestado sa Maynila

P6.8-M shabu nasamsam sa buy-bust; 1 arestado sa Maynila

5
0
(Image representation only)

MANILA, Philippines – Mahigit P6.8 milyong halaga ng hinihinalang shabu ang nasamsam habang naaresto ang isang 36-anyos na hinihinalang drug pusher sa isinagawang buy-bust operation sa Sta. Cruz, Manila noong Hunyo 24.

Kinilala ng Manila Police District (MPD) ang suspek na tubong Lanao del Norte at residente ng Putatan, Muntinlupa. Nakumpiska mula sa kanya ang tinatayang isang kilo at limang gramo ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng P6,834,000.

Ayon sa pulisya, nagpapahiwatig ang dami ng nakuhang iligal na droga na nakalaan ito para sa malawakang distribusyon at posibleng magsuplay sa iba’t ibang lugar sa Maynila.

Isinagawa ang operasyon ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) ng Meisic Police Station (PS-11) sa pamumuno ni Lt. Meynard U. Vargas at sa pangangasiwa ni station commander Lt. Col. Cicero M. Pura. Nasamsam din ang marked money at boodle money na ginamit sa operasyon.

Sinabi ni MPD chief Brig. Gen. Arnold C. Santiago na bahagi ito ng pinaigting na kampanya laban sa mga nagtutulak ng iligal na droga at sa mga nasa likod ng supply network.

Patuloy na inaalam ng mga imbestigador ang pinagmulan ng nakumpiskang droga at tinutukoy ang iba pang sangkot sa distribution chain. Nakakulong na ang suspek sa PS-11 at nahaharap sa kasong paglabag sa Sections 5 at 11 ng Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here