Home NATIONWIDE Habagat makakaapekto sa Luzon, Visayas

Habagat makakaapekto sa Luzon, Visayas

4
0

MANILA, Philippines – Habagat pa rin ang makakaapekto sa malaking bahagi ng bansa ngayong Sabado, Hunyo 27.

Ayon sa PAGASA, ang Metro Manila, La Union, Pangasinan, Batanes, Babuyan Islands, Zambales, Bataan, Tarlac, Pampanga, Bulacan, Cavite, Batangas, Occidental Mindoro, Palawan, Antique, Iloilo, at Guimaras ay magkakaroon ng maulap na kalangitan na may kalat-kalat na pag-ulan at thunderstorm dahil sa Habagat.

Ang Eastern Visayas, Northern Mindanao, Caraga, at Davao Region naman ay magkakaroon ng maulap na kalangitan na may kalat-kalat na pag-ulan at thunderstorm dahil sa Intertropical Convergence Zone.

Ang nalalabing bahagi ng Luzon at Visayas ay magkakaroon ng bahagyang maulap hanggang sa maulap na kalangitan na may isolated rainshowers o thunderstorms dahil sa Habagat.

Habang ang nalalabing bahagi ng Mindanao ay magkakaroon ng bahagyang maulap hanggang sa maulap na kalangitan na may isolated rainshowers o thunderstorms dahil sa Localized Thunderstorms. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here